Friday, December 11, 2015


Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan Timog Katagalugan. Ang kapital nito ay ang Lungsod ng Puerto Princesa ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilangang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan. Pinangalan ang lalawigan sa pinakamalaking pulo ang Pulo ng Palawan.

 
MGA IPINAGMAMALAKING PASYALAN
          Kung tayo ay mamasyal, magbabakasyon o magpapalipas ng oras. Bakit hindi na natin ito sulitin? Maaaring puntahan ang mga lugar na ito na siguradong hindi nakakasayang sa pera. Kung makakapunta dito au makikita ng iyong mga mata na alagang-alaga ito.
             Coron Reefs, Coron Bay, Busuanga
 Ang ‘Coron Reefs, Coron Bay, Busuanga’ ay matatagpuan sa Coron Bay. Ang Isla Coron ay isa sa pinakamalaking naitalang limestone formation sa mundo at nasa pinakahilagang bahagi ng lalawigan ng Palawan, MIMAROPA, Mindanao, Pilipinas. Malaking bahagi nito ay sakop ng mga barangay ng Banuang Daan at Cabugao sa munisipyo ng Coron. Kabilang din ang isla sa Grupo ng mga Isla ng Calamian na nasa Katimugang Dagat Tsina. Tinatawag din itong Bundok Calis dahil sa ito ay bundok na gawa sa limestone. Ang klase ng limestone ay halos puro Permian at mula pa sa Panahong Jurassic. Ang Isla Coron ay napabilang sa mga nominadong nasa Tentative List ng UNESCO World Heritage Sites noong 2006.
 


          El Nido Marine Reserve Park

           

Ang Bayan ng El Nido ay isang bayan at marine reserve park sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Ang bayan ay makikita sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Palawan.
Ito ay binubuo ng 45 na mga pulo na may iba't ibang itsura at porma. Katulad ng kabuuang Palawan, ang El Nido ay kabilang sa Eurasian Plate, isang plate na hiwalay sa Philippine Plate na siyang kinabibilangan ng kabuuang bansa.

Ang mga limestone cliffs na matatagpuan dito ay katulad ng mga matatagpuan sa Ha Long Bay sa Vietnam, Krabi sa Tailanda at Guillin sa Tsina na bahagi rin ng Eurasian Plate.

 
UNESCO World Heritage Sites
·       Puerto-Princesa Subterranean River National Park (1999)
 
 
  Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa New Seven Wonders of Nature na. Matatagpuan ito sa Palawan, humigit-kumulang 50 kilometro sa hilaga ang layo mula sa siuydad ng Lungsod Puerto Princesa. Ito ay itinuturing na pinakamahabang maaring daanan na underground river sa buong mundo.
   Ang National Park ay bahagi ng Saint Paul Mountain Range na matatagpuan sa hilagang bahagi ng isla. Ang malawak na kuwebang limestone na ito ay mararating ng dalawang oras mula sa lungsod at dahil sa pambihirang ganda ng kalikasan, nahihikayat nito ang libu-libong mga turista kada-taon kung kaya't napasama ito sa listahan ng kandidato para sa paghanap ng New Seven Wonders of the World.
·       Tubbataha Reef Marine Park (1993)
 
  Ang bahurang (coral reefs) Tubbataha ay isang pulo ng korales na pumapaligid sa lawa. Matatagpuan ito sa timog-silangan ng siyudad ng Puerto Prinsesa, Palawan.
Bahagi ang bahurang Tubbataha ng bayan ng Cagayancillo, Palawan. Ang salitang “tubbataha” ay pagsasanib ng dalawang salitang Samal na nangangahulugang “isang mahabang bahurang lumilitaw sa pagbaba ng tubig”. Ang bahura ay binubuo ng dalawang pulo ng korales na pumapalibot sa lawa na pinaghihiwalay ng lagusang walong kilometro ang lapad. Ang mas maliit na pulo ay limang kilometro ang haba at tatlong kilometro ang lapad samantalang ang mas malaking pulo ay labing anim na kilometro ang haba at limang kilometro ang lapad.
Sinasakop ito ng mga makukulay na korales ang dalawang-katlo ng buong lugar at tirahan ito ng napakaraming uri ng buhay-dagat. Ang biodiversity ng Tubbataha ay kumakalaban sa Great Barrier Reef ng Australia. Mayroon itong 300 na uri ng koral at 400 na uri ng isda.
Noong 1993, inihayag ng United Nations ang Tubbataha bilang isa sa limang World Heritage Site sa Pilipinas. Ang isa pang tanyag na lugar ay ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue sa Ifugao.
 
Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center Puerto Princesa
 
     Dating kilala bilang ang Crocodile Farm at Nature Park, nagsisilbing santuwaryo ng Philippine Crocodile na katutubo sa bansa. Ang Philippine Crocodile ay kasalukuyang kasama sa endangered species listahan at konserbasyon center ay gumagawa ng mga paraan upang mapataas ang bilang ng mga species. Bukod sa crocodiles, ang sentro ay tumatagal ng pag-aalaga ng iba pang hayop tulad ng ostriches at katutubo sa isla ng Palawan tulad ng bearcat.
MGA PRODUKTO

Matapos libutin ang isang lugar, tiyak na nanaisin ng isang turista o manlalakbay ng isang subenir na magpapaalala sa kanyang karanasan. Sa probinsya ng Palawan, kadalasang mga gawang kamay ang mga produktong mabibili dahil, karamihan sa mga ito, mga katutubo ang gumagawa. Mga basket na gawa sa rattan, banig at hinabing tela ang ilan sa mga produktong maaaring bilhin ng mga turista. Mabenta rin dito ang mga alahas at lampara na gawa sa iba’t-ibang kabibe at korales na matatagpuan din sa Palaw






 

MGA SIKAT NA PAGKAIN





Adobong Buwaya, ulam na ito ay isa sa nakakaagaw pansin sa menu para sa turista. Ulam na ito ay gawa sa tunay na karne ng buwaya na niluto sa toyo, mga sibuyas, chilli peppers, cucumber at iba pang mga pampalasa sa isang paraan na ang sauce ay naging tulad ng isang makinis at malasa Curry pa mananatiling totoo sa orihinal na Pilipino adobo napanlasa at estilo. Ulam na ito ay maaaring bilhin sa Grill and Bar ang Kinabuch.

 

Kilala bilang isa sa mga tanyag na pagkain sa Palawan. Kadalasan ang adobo sa Palawan ay adobong buwaya. Minsa’y hinahaluan ito ng mga sili na nakapagpapaalala sa Bicol express. Lasang lutong manok.

 




  Ang “Tamilok” ay isang uri ng pagkaing lamang-dagat. Kung nakasanayan lamang ng mga kumakain nito nagiging masarap ang “exotic delicacy” na ito. Matatagpuan sa loob ng natumbang puno ng Bakawan na marami pa hangang ngayon sa mga baybayin ng Palawan. Kasinlaki ng hinlalaki natin ang pangkaraniwang Tamilok, isang dangkal hangang isang talampakan ang haba niyon. Busilak, kulay-talaba at hindi rin nalalayo ang lasa sa pangkaraniwang talaba. Wala itong ibang kinakain kundi ang pinakamatigas na parte ng tumbang-bakawang babad sa tubig-alat. Kung susuriin, ang Tamilok ay napakasustansiya. Ang pagkaing ito na napakayaman sa calcium, protina, iodo, posporo at halos lahat na yata ng mineral na kailangan ng tao ay nasa kanya na. Pinaniniwalaan din itong “aphrodisiac” ng mga sinaunang mga tao dito sa Palawan; at nakakapagpalawig din daw ng buhay dahil sa maraming taglay nitong sustansiya.
 
 
 
 

Sa bayan ng El Nido (dating tawag ay Bacuit) nagmumula ang “edible bird’s nest” pangunahing sangkap sa pagluluto ng tanyag sa mundong “Nido Soup”. Ang pugad ng “Balinsasayaw” (ibong gumagawa niyon) ay mula sa luwad ng kanilang kinain at laway ng di-pangkaraniwang ibong ito. Ang nagpapataas-halaga sa pagkaing ito ay hindi ang sangkap na edible nest na inilalahok dito, kundi ang hirap nang pagkuha sa mga pugad na iyon. Ang mga pugad ay matatagpuan sa mga burol at gilid ng matatarik na talampas at nakausling mga bato halos isandaang metro ang taas mula sa ibaba kung saan marupok na lubid lamang ang nakapulupot at nakabit sa taong umaakyat nun upang huwag malagalag o tumilapon sa kabatuhan at mga tipak na matatalas sa ibaba.
 
 



KABUHAYAN







Ang kabuhayan sa palawan ay pagsasaka ,pangingisda at  paggawa ng mga handicrafts. Sapagkat ang Palawan ay napapaligiran ng tubig, ang pangunahing kabuhayan dito ay ang pangingisda at pagsasaka. Habang ang mga pagtitinda ng mg handicrafts naman ay nakikita lamang sa mga paligid dahil ang Palawan ay ang rehiyon na ipinagmamalaki ng Pilipinas ay tumataas ang porsyento ng mga turista na nagpupunta rito. Habang ang mga agrikultural na produkto naman ay ang saging, palay, mais, niyog at mangga. Dahil ito sa mga matatabang lupa sa Palawan ay nigiging masagana ang pagtatanim ng mga ito.
 
FESTIVAL
    Baragatan Festival   Ikatlong Linggo ng Hunyo

Ito ay isang pagdiriwang ng mga natural at cultural heritage Palawan na nagpapakita ng kagandahan at biyaya ng lalawigan sa kanyang mga tao, agricultural crops, arts and crafts, turismo destinasyon, at kapaligiran.
Mga tao mula sa lahat ng mga kalagayan sa buhay kasama na expatriates na may ginawa Palawan ang kanilang tahanan, turista at mga bisita ay bahagi ng Baragatan ay isang Palawan.
Sa Pista na ito, nagtitipon-tipon ang mga tiga-Puerto Princesa upang i-celebrate ang magandang pagsasama nila. Dito ay nagkakaroon ng mga sayawan, contest at iba pang mga activity. Sabay-sabay din silang nagkakainan at nagbibigayan ng mga regalo. Dito nila ipinapakita ang kanilang maayos at matagal na pagsasama. Bago naman mag-tapos ang araw ay nagkakaroon ng street dancing kung saan nagpipintura sila ng kulay asul sa kanilang katawan. Pagkatapos ay sasayaw sila ng mga interpretative dance.



 
Seafood Festival   Ikatlong Linggo ng Abril

Isang pagdiriwang ng mga biyaya ng mga dagat, ang masarap na pagkain festival ay nag-aalok ng isang lasa ng seafood specialties kung saan ang palawan ay kilala. Puerto Princesa restaurant maghanda ng isang halo ng mga tunay Palawan seafood cuisine at delicacies, pati na rin ang iba pang mga napapanahong culinary delights napuno seafood-sa rehiyon.



 
Karagatan Festival    Ikatlong Linggo ng Mayo

Kilala sa panahon ng buwan ng karagatan, ang pagdiriwang ay nagpapakita ng synergy ng mga tao na may malawak na dagat at ang karagatan. Gaganapin sa bawat taon sa magagandang beach ng kanlurang baybayin ng Lunsod, kabilang ang apat na-araw na kaganapan ng coastal clean-up, bangka-sailing, kite-paglipad, banca race, tug-o-war, beach volleyball at football, sand sculpture,
bundok sa dagat trekking, mountain bike race, film showing, isang grand beach party at concert, at nilimitahan sa pamamagitan ng isang bukas na Weskini bikini.

Balayong Festival    ika-apat ng Marso

Ang pagdiriwang paggunita ng pagtatayo anibersaryo ng Lungsod ng Puerto Princesa na naka-highlight sa pamamagitan ng balayong tree- planting , street dancing at makukulay na floral parada ang naglalarawan ng Palawan Cherry Blossoms kung saan nagmula ang pagdiriwang ng pangalan nito.


 
Cuyo Fiesta

 
Tuwing Agosto, ang Cuyo Fiesta ay bantog. Ito ay katulad sa mga uri sa Ati-Atihan festival. Upang ipagdiwang, ang mga taong lumahok sa kaganapang ito ay may blackened skin. Sila ay karaniwang sumayaw sa kumpletong pag-abanduna sa mga musical na pagtugtog ng mga drums.
 

MGA PINAGHALAWAN
 
PANGKAT 3
MGA TUMULONG
. ERLYN JASMINE M. MARCELO
. LORRAINE MAE C. CANON
. JOHN RAY CANTES
. JHON RAYMOND HUFANA
. ELLY UMPANG
. KYLA DAPHNE ESTONACTOC
. RAYSON RELLAMA
. NIKKI TAYAMORA
. ALIEZA MAE ESPAÑOL
. ALMA NICOLE PRION
. ANGELICA BITUIN
 
 
 
 
 
 

 










 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

No comments:

Post a Comment